Adamson, Kensei nanalo agad sa Nat'l Softball Championships

Publication: Bandera
Section: Sports


UMANI agad ng panalo ang nagdedepensang women’s open champiom Adamson University habang nagpasiklab ang bisitang Kensei team ng Burnei sa kalalakihan sa pagbubukas kahapon ng Cebuana Lhuillier Summer Grandslam 6 Natioanal Softball Championships sa Clarkfield Parade Grounds sa Pampanga.

Walang hirap na dinomina ng Lady Eagles ang bisitang West Indonesia, 5-0, upang iparating ang mensaheng handa nilang depensahan ang titulo ng torneong inorganisa ng Amateur Softball Association of the Philippines (ASAPhil) at itinataguyod ng Clark Development Corporation.

Humataw ng run-single sina Sherwin Tabar at Edwin Mercado sa 10th inning upang ibigay sa Kensei team ang come-from-behind 5-3 panalo sa Philippine Navy.

Samantala, nanalo ang Philippine Army sa West Java, 5-0, upang makasalo sa liderato sa men’s open.

Nagwagi naman ang Angeles City sa Ateneo Coaches, 6-1, sa men’s club division habang tinalo ng NCR women’s team ang Tarlac, 8-4.

--Mike Lee