UE, Adamson Alumni magtutuos sa finals

Bandera
May 4, 2012

Magtutuos para sa kampeonato sa Women’s Open and University of the East at Adamson Alumni matapos manalo sa magkahiwalay na laro kahapon sa pagpapatuloy ng 2012 Cebuana Lhuillier Summer Grand Slam National Softball Open sa Clarkfield, Pampanga.

Si Vicky Belleza ay nagdomina sa mga Indonesian batters habang sina Rizza Bernardo, Emma Dehita, at Elma Parohinog ang siyang naghatid ng runs sa Adamson Alumni para makarating sa finals. Ang UAAP champion Adamson at Papua Province ang siyang magtutuos para sa ikatlong puwesto.

Wala pa naming linaw kung sino ang magtutuos sa men’s open finals dahil limang koponan ang nagrarambulan para sa unang dalawang puwesto sa torneong inorganisa ng ASAPhil katuwang ang Clark Development Corporation, Phiten, Cebuana Pera Padala, Le Soleil de Boracay, Cebuana Lhuillier Bank, Just Jewels, Cebuana Lhuillier Insurance Solutions, TJ Hotdogs, Purefoods Chicken Nuggets, Hungry Juan, at Department of Tourism Region 3.

Nanatiling nasa unang puwesto ang Philippine Air Force (5-) nang manalo sa JK.com Zamboanga, 2-1, habang pumapangalawa ang bisitang Kensei ng Brunei (4-1).

---Mike Lee