Adamson, UE umaariba

Ramil Cruz

Umepal ang mga hitters kahapon para sa tatlong kuwadra upang magsipama­yagpag sa kanilang mga karibal sa pangalawang araw ng Cebuana Lhuillier National Intercollegiate Women's Softball Championship sa Rosario Sports Complex sa Pasig City.

Di lang naging bakod sa depensa si Rizza Bernardino sa apat na hits sa buong seven-inning play kundi nagsumite pa ng 2-for-2 sa bat para trangkahan ang defen­ding champion Adamson University sa pagbutata sa University of the Phi­lippines, 5-0.

Kumonekta naman ang 2nd placer dito noong isang taon na University of the East ng siyam na koneksyon para makabalikwas sa 0-2 deficit at maihampas ang 6-2 win sa Ateneo de Manila University.

At umiskyerda ang rightfielder na si Jen Kriztel Gomez ng dalawang home run nang itumba ng De La Salle ang Saint Louis University, 16-6.

Ang mga senaryo'y nagkaloob sa AdU Lady Falcons at UE Lady Warriors ng 2-0 win-loss records para magsalo sa tuktok, samantalang lumagak sa 1-1 ang DLSU Lady Archers sa pagbuwelta mula sa 0-7 olat sa RTUkamakalawa.

Unang talo pa palang para sa ADMU Ladu Eagles at UP Lady Marrons, habang 0-2 na ang SLU na 0-29 ang unang handusay sa mga kamay ng Falcons sa pagbubukas noong Lunes ng 12-team tournament.

Source: http://www.abante.com.ph/issue/oct1712/sports04.htm