Adamson U umabante sa softball tennis

Publication: Bandera
Section: Sports
Date: October 18, 2012

UMABANTE na sa semifinals ang multi-titled Adamson University nang kumulekta pa ng dalawang panalo sa pagpapatuloy kahapon ng Cebuana Lhuillier National Intercollegiate Women’s Softball Championship sa Rosario Sports Complex, Pasig City.

Ang ikatlong panalo ay hinugot sa Rizal Technological University noong Martes ng gabi, 10-0, at kahapon ay inilampaso naman ang Bulacan State University, 16-0, para sa malinis na 4-0 baraha sa Group A at tiket sa semis.

Naantala naman ang University of the East sa tangkang pag-abante sa semis nang gulatin ng Polytechnic University of the Philippines, 5-2, sa labanang umabot ng isang extension ng Group B.

Nakatikim naman ng unang panalo ang BSU nang manalo sa St. Louie, 6-3. – Mike Lee