Abante – Phl Blu Boys umangat

Winalis kamakalawa ng Philippine Blu Boys ang kanilang mga nakaribal sa doubleheader match date sa Asian Softball Championships sa Japan.

Umangat sa second spot ang Blu Boys matapos dominahin ang Singapore, 6-1, bago isunod ang Hong Kong, 5-3, para sa 3-1 win-loss card sa torneong nagsisilbing Asian qualifier ng World Softball Championships sa New Zealand sa susunod na taon.

Nakatakdang itiklop ng Blu Boys ang kanilang kampanya sa elimination round laban sa India kahapon bago hamuning muli ang Japan sa page-system playoffs sa parehong araw.

Source: http://www.abante.com.ph/issue/oct2812/sports03.htm