Blu Boys pumangalawa

Bandera | October 31, 2012

NAGTAPOS sa ikalawang puwesto ang Philippine Blu Boys nang matalo ito sa Japan, 7-0, sa finals ng 11th Asian Men’s Softball Championship sa Niimi City, Okayama, Japan.

Sa ikatlong inning ay kumulekta ng limang runs ang host team bago humugot ng dalawa pa sa four th inning upang kumpletuhin ang dominasyon nito sa Pilipinas.

Gayunman, nakakuha pa rin ng puwesto ang bansa sa ISF World Men’s Softball Championship sa New Zealand sa susunod na taon.

Nakuha ng Pilipinas ang karapatang labanan ang Japan sa one-game finals nang hiyain nito ang Indonesia, 7- 0, sa Page System semifinals.

Sa kabuuan ng torneyo ay hindi nanalo ang Blu Boys sa Japan sa tatlong pagkikita ngunit hindi na mahalaga ito dahil ang mas pinagtuunan ng Amateur Softball Association of the Philippines ( ASAPhil) ay ang World Championship.

“Our stint here was a good learning experience, particularly our games against Japan. We will do some changes in our roster and will adopt new hitting techniques as we prepare for the World Championship next year,” wika ni ASAPhil president Jean Henri Lhuillier.

— Mike Lee