Adamson winalis ang elims


Bandera
May 5, 2013

PATULOY na nananalasa ang nagdedepensang women’s champion Adamson University sa Summer Grandslam National Softball Open Championship na ginaganap sa Clark Freeport Zone sa Pampanga.

Kahapon ay tinambakan ng Adamson ang Rizal Technological University, 8-1, para mawalis ang elimination round.

Bago ang panalong ito ay nalusutan ng Adamson ang University of the Philippines Diliman, 1-0, sa pangunguna ng ace pitcher ng Adamson na si Rizza Bernardino.

Binigo naman kahapon ng Brunei team Chikara ang UP-Diliman, 2-1 matapos an makaiskor ng tig-isang run sina Esmeralda Tayag at Marlene Francisco.

Ang isang linggong torneong ito ay suportado ng Cebuana Lhuillier, Pera Padala, Phiten, Cebuana LHuillier Insurance Solutions, Phiten, Le Soleil de Boracay, Just Jewels at Clark Development Corporation.